Akala ko'y pintuan ko lang ang kakatukin mo
Sa pagdaan ng panahon pati pala itong puso ko
Sa pagdalaw ako'y natutuwa
Iyon pala ito ay isa lamang awa
Mamahalin na sana kita
Ngunit bigla kang nawala
Inaabangan sa bawat araw
Hinihiling na muli ikaw ay dumalaw
Tiyak kong nasilayan ka ng mga mata
Subalit tugon mo'y lubhang nakapagtataka
Gulat ka ng ako'y tumitig
Nadarama ko'y parang nanlalamig
Nakita kitang may kasama sinta
Siya ba ang dahilan na iyong pagkawala?
Huwag nang magbalak sumagot
Sa galaw mo palang ay hindi na mapapa-ikot
Pinaglaruan at sinaktang puso
Ngayo'y di mapigil sa pagdurugo
Sakit na iyong idinulot
Parang karayon na ayaw mabunot
No comments:
Post a Comment